Sunday, April 01, 2007
adik sa 'yo
dun sa work ko sa elbi dati, madalas maglaro ng dota yung mga opismeyts ko. hindi ako sumasali. ewan ko kung bakit. basta hindi ko lang siya trip nun. ngayon sa current work ko, nag-try ako maglaro nito once. tapos nasundan. at nasndan. at nasundan. at nasundan. at nasundan. hanggang sa tumambak na yung trabaho ko. hehehe!
favorite hero ko si pugna. sa dami ng heroes dun, sya lang yung una ko natutunan gamitin ng medyo maayos. nag-research na rin ako tungkol sa mga recipes na bagay gamitin sa kanya. madalas kasi akong talo at madalas din mapatay. pero ok lang. basta laro lang ng laro. balang araw, sisigaw din ako ng OWWNNIIINNGG!!!
^ _ ^
Yashko | 12:41 am
|
Tuesday, March 27, 2007
anong paki mo
sa long hair ko...
nag-scan ako ng pics ko sa friendster at nakita ko uli yung pic ko nung mahaba pa buhok ko. 10 months din ako hindi nagpagupit nun. naalala ko, bago ako pumasok dun sa 1st company ko, nagpagupit ako. tapos yung sumunod na pagupit ko ay yung time na magpa-pass na ko ng resignation letter. umabot halos sa balikat yung buhok ko. ngayon nagbabalak na uli ako magpahaba ng buhok. 3 months na ako hindi nagpapagupit. at yung next... pag magre-resign na uli ako.
^ _ ^
Yashko | 04:24 am
|
Thursday, March 08, 2007
khop khun krap
how was our bangkok trip?
"a picture paints a thousand words" ika nga, so here it is...
100 pictures for more than 100,000 words.
^ _ ^
Yashko | 04:35 am
|
Tuesday, February 27, 2007
Yashko | 04:50 am
|
Monday, February 26, 2007
pinoy big bother
*isang kandidato pumasok sa bahay ni kuya
*a housemate discusses how good (or bad) a candidate is from his/her "own" point of view
i just feel that something like these could happen. considering that pbb has thousands (or millions?) of followers, it could be a great tool for campaigning.
Yashko | 12:12 pm
|
Friday, February 23, 2007
mataas na pangarap
pupunta kami ni jiep sa bangkok next week. ito ang perstaym ko lumabas ng bansa at perstaym ko sumakay ng eroplano. bata pa ko pangarap ko na talaga sumakay ng erpleyn. ganun kataas ang pangarap ko. naalala ko, dati pag naglalaro kami at may narinig kami na malakas na ugong mula sa taas, halos sabay sabay kami titingala at hinahanap na namin kung nasan yung eroplano. tuwang tuwa na kami pag mababa lang ang lipad kasi mas lalo namin nai-imagine kung gaano talaga kalaki ang isang eroplano. next week, mahahawakan ko na at masasakyan ang mataas kong pangarap. weeeeee!!
^ _ ^
Yashko | 11:39 pm
|
Thursday, February 15, 2007
congress[pac]man
kung ako si pacquiao, hindi ako papasok sa pulitika. madami na akong pera at hindi ko kailangan maging congressman para tumulong sa mga kababayan ko. di hamak na mas malaki pa ang kinikita ng premyo sa laban, commercial, at kita ng album ko kesa sa pork barrel na bibigay sa akin. hindi ako mamumudmod ng pera. diretso sa serbisyo yung tulong ko. magbibigay ako ng scholarship grants sa mga matatalino at masisipag mag-aral. bibili ako ng mga gamot at ibibigay sa mga health centers. papatayo ako ng sports centers/gymnasiums. magtatayo ako ng iba't-ibang business at ang kukunin kong mga empleyado ay yung mga tambay sa kanto. at once na maayos na buhay ng mga kababayan ko, peace and order will follow. ganun lang kasimple tumulong kung maraming pera at kung totoo ang hangaring tumulong. hindi kailangan maging congressman.
hindi ko talaga ma-gets kung ano pumasok sa kukote nya at naisip nya pumasok sa pulitika. utang na loob kay GMA? wala sya dapat tanawing utang na loob dun. hindi naman si GMA, lito atienza, o chavit singson ang nakipagbasagan ng mukha para yumaman sya. hindi nya kailangan ang kahit na sinong pulitiko. sya ang kailangan nila. wala naman sila (mga pulitiko) nung nasa blow by blow pa sya. kasi hindi pa sya sikat nun. ngayong sikat na sya saka lang sila nagdikitan sa kanya.
manny, alam mo ba kung anong trabaho ng congressman? kung hindi pa ito yun: gagawa ka ng batas. anong batas ang balak mong gawin kugn sakaling manalo ka?
people's champ? paki champal nga ng konti at baka sakaling matauhan. pwe! nagbigay sya ng karangalan sa bansa natin. sana naman, wag nya sayangin yun at gawing kahihiyan.
Yashko | 05:36 am
|
yashko... 
si yashko? typist sa eclipse. tahimik. mahiyain (sa una). maingay (pag lasing). galante (pag lasing din). tamad magtrabaho. masipag pag lampas na sa deadline. nangarap minsan na maging doktor (dahil sa mamay), engineer (gusto ko lang may engr sa unahan ng pangalan ko), artista (kaya lang aminado ako na hindi kaya ng face value), miyembro ng rock band (kinulang nga lang sa talent), at pari (biro lang, hehehe). gustong yumaman pero di makaipon. at higit sa lahat.., gusto ko rin maging cute (sige na lord, kahit isang araw lang).

tag board
blogger fellows
archives
Contact Me
Blogskin's w4rnawarni : blackest mood

designed by:
w4rnawarni
